About

Dito nahuhulog ang abo ng mga patay na bitwin.

***

Nagtapos ng pilosopiya sa Ateneo de Manila at kasalukuyang nagtuturo ng Filipino sa Xavier School Nuvali, si Abner Dormiendo ay isang manunulat na nakabase sa Antipolo at Laguna. Marami sa kaniyang mga kuwento at tula ay nailimbag na sa iilang lathalain, tulad ng Heights, Cha, at High Chair, at nakatanggap na ng parangal at pagkilala, kasama na ang Ikalawang Gantimpala para sa Tula sa 2015 Don Carlos Palanca Awards for Literature.

[Hindi sa akin ang larawan na nasa header ng site na ito.]