Buwan ng mga Akdang Pinoy 22: “Clairvoyance” ni Carlomar Arcangel Daoana

by Abner Dormiendo

20160812_155327

Ang sining ng pagtula ay isang sining ng pagsasahubog ng mga di-(pa-)mapangalanang mga danas, ng pagpapaliwanag ng mga puwersang di-madaling mamalas, ang maging tagahatid ng mga di-makita at ng pagnanais na makita. Sa kaibuturan ng “Clairvoyance” ni Carlomar Arcangel Daoana ay ang ganitong tungkulin ng makata na maglatag ng isang arkitektura upang ipirmi ang di-mapirmi at bigyang-anyo ang walang-anyo—panahong nagdaan at paparating, mga danas ng dahas at lagim, ang kaluluwa (o ang maaaring kawalan nito)—dahil iyon ang kondisyon ng pag-iral natin bilang mga tao: ang magpakahulugan, gaano man kalabo o kasalimuot ang paliwanag. At sa koleksiyon ni Daoana, ipinapaubaya natin sa kaniyang talas ng pandama at mala-propetikong pananalinghaga ang ating pagnanais na makita ang mga di-makita, at pagsara ng libro, lumabas kahit papaano nang mas marunong, kahit ang karunungan ay iyong pagkilalang hindi tayo tunay na marunong. Isang pagsipi mula sa “Dream Sequence: IV. Intramuros”:

“…the past still flows, coterminous, with the present
[…]
we are simply inspectors now
we press against walls for what they hold
we discover garrisons, rusted chains, churches built and rebuilt
we have the hindsight to consider all of this as evidence
not a witness
the long dead will not speak except through a chamber we don’t have access to”

Advertisements