Buwan ng mga Akdang Pinoy 20: “Dreamweavers” ni Marjorie M. Evasco

by Abner Dormiendo

20160815_100451

Ang librong “Dreamweavers” ni Marjorie M. Evasco ay, sa buod ng talinghaga ng pamagat, isang paghahabi-habi ng sanlaksang karanasan ng daigdig: mula pag-ibig, panahon, kamatayan, pakikipagkapwa, at tulad nga ng “dream” sa pamagat, hindi lang mga panaginip kundi mga pangarap—ang pagbibigkis ng sansinukob bilang isang obligasyong pambabae, ang sining ng/bilang paghilom, na nagsimula pa noong panahon ng mga babaylan at ngayo’y inaari ni Evasco bilang tagapagmana ng tradisyon at legasiyang ito. Bagaman sinasabing ito’y mga piling tula sa loob ng takdang panahon ng buhay-makata ni Evasco, hindi dapat ito mapagkamalang antolohiya ng samu’t sari. Walang sinasayang ang makata na hibla ng salita; bawat tula’y dumaragdag sa dahan-dahang pagkakabuo ng isang obra maestra na hindi lang feminista sa kaniyang nilalaman (proyekto ni Evasco ang magbigay-tinig sa isang boses na kaytagal nang inaapi at pinatatahimik: “I have come home to my own, contributing to our kind these personal struggles with the dangers we face as women and as women writers of color,” sabi niya sa kaniyang napakagandang sanaysay sa umpisa ng aklat) ngunit pati na rin sa kaniyang anyo. Isang sipi mula sa “Caravan of the Waterbearers”:

“We have joined the trek
of desert women, humped over
from carrying our own oases
in the claypots of our lives,
gathering broken shards we find
in memory of those who went
ahead of us, alone.

When we seize the watersource
our ranks will complete the circle
we used to mark around our tents,
making homes, villages, temples,
schools, our healing places.
And we will bear witness
for our daughters and sons,
telling them true stories
of the caravan.”

Advertisements