Buwan ng mga Akdang Pinoy 6: “Spleen” ni Mabi David

by Abner Dormiendo

20160804_065250

Punong-puno ang buhay ng pagkapigtal at pagkawala. Paano uusad matapos nito? Ito ang kinakaharap ni Mabi David sa librong “Spleen,” kung saan ang sentro ay kawalan, at ang pangunahing pakiramdam ay pag-iisa. Minsan, nakahahanap siya ng konsolasyon sa maliliit na bagay (“Eating Alone”, “Her Nostalgia,” “Optimism”). Ngunit ang mga bagay ring ito ang siyang tumutuya sa kaniyang pag-iisa (“Windsock”, “Wind Chime”, at sa maraming tula ritong nagsasaboses ang hangin). Ngunit sa gitna ng tagisan ng mga pangkaraniwan upang bulabugin ang katiwasayang laganap sa libro, nasa mata ng bagyo ang tao: tahimik, nagmamasid, tumutula. Napakarami kong nais sipiin (dahil napakaganda ng mga tula’t tigib din sa “one-liners”), ngunit narito ang isa sa mga paborito ko mula sa “Looking at a Still Life”:

“Sometimes I strain under harsh light, spotting for
the sketch, the original intention under the colors
only to grow fonder. How hard to tell the worth
of what I have. How to look for what I’m looking for.”

Advertisements