Lagimlim

Nang may magawa ang mga bitwin

Month: December, 2014

In Context: New Year’s Eve

after Gian Lao

Gunpowder clouds the scent of midnight dinner being prepared (si mommy sa kusina), crackles from both the speaker (2014 Pop Danthology ni DJ Earworm) and firecracker (super lolo) after (piccolo) another (sinturon ni Hudas) firecracker (‘yung makulay sa langit). She goes outside (para naman walang masabi) and aims her phone to the sky (#vscocam) only to go back inside after (mahina ang Wi-fi sa labas). Plates (leche flan) and plates (inasal na manok) of dinner (lechong kawali) are arranged at the table (12 bilog na prutas sa gitna), the tricycles drowning out the conversation (kain na, anak). She goes down and raises her camera above the table (Kainan na, yay!) and keeps it (tigilan mo muna yang Facebook-Facebook mo). This always happen to her (puro Facebook lang inatupag mo), and tomorrow, nothing changes. (I’m ready, 2015!)

*

FB Creative Challenge prompt: Include the word yay in the poem. Perhaps the oddest prompt and a very difficult one to make since this is arguably not even a word. So I took the form from Lao’s work (In Context: Her Sunday Afternoon from Heights vol. LVII no. 2, p. 23).

Also, a softer new year to everyone! May the world treat you kindly this 2015.

Encounter

First, her hands. Then, my soul. She tells me to let
things take its course and I let go. In me, the
first she unlatches is my skin, unmasks me, whole.
I’m shivering as I unravel beneath her touch, a world
the body just discovered—and is this desire, to feel
realest after the first encounter, to thirst for the tenderness of it?

*

FB Creative Challenge prompt: first. Weirdly difficult for me to write.

Also, this poem has a secret hidden in the poem; two, depending on how you look at it. Look for it. It doesn’t take some fancy person to see the secret. 😉

Naghagis Ako ng Barya at Naalala Kita

Hindi raw pantay ang tsansa ng paglabas ng tao at ibon
kapag inihagis mo ang barya sa ere at bumagsak ito
sa lupa. Laging mas mataas ang nakaharap sa iyo
ng isang porsyento. Kung ganoon ang kaso, baka
maaaring paglaruan ang tadhana, pilipitin ang braso
ng posibilidad at hingin mula rito ang gusto ko.
Ang gusto ko ay isang uniberso kung saan narito ka pa rin
sa aking kuwarto, inaayos ang gusto ng aking kobre-kama.
Baka sa isang uniberso, mas mapagpatawad ka, mas mabait
ang mundo sa isang makasalanang tulad ko. Baka doon,
mas marunong akong magmahal, nanalo tayo laban
sa mga Kastila, naging presidente si Fernando Poe,
buhay pa rin ang mga taong napatay ng terorismo
o naging sakripisyo dito sa walang-hanggang giyera
laban sa pinakamalalim nating takot. Baka doon, malaman ko
kung saan ako nagkamali, may siyensiya na para sa pag-ibig
at pagpapatawad, at mababasa ko sa libro ng aking kapatid
at hinihinging lunas para sa nagbabagang sugat sa puso,
may sagot sa haypotesis na hinihilom din ng panahon
ang lahat ng ating sakit. Baka doon, kumalansing itong barya
sa isang mukhang aking inaasahan, at hindi ko na naisulat
itong tula, dahil kasama pa kita, at hindi ako nagkasala.

*

FB Creative Challenge prompt: kung or uncertainty. I think I equated it with probability, so there you go. If it kind of sounds the same as Sa Iba’t Ibang Katapusan ng Mundo…, that’s because both of them take their inspiration from one certain poem by Bob Hicok, a favorite of mine.

Sa Iba’t Ibang Katapusan ng Mundo, Mahal Pa Rin Kita

Maaari akong mamatay bukas-makalawa.
Kung ganoon man, hayaan mo akong mahalin ka
katulad ng sa mga nagdaang panahon: walang pangamba.
Habang natutulog ka dito, may nabubuo na namang bagyo
sa malayong dako nitong karagatang Pasipiko, may biyak dito
sa lupang tinutulaan ko ngayon na nagbabadyang
maghiwalay, at ilang kilometro mula dito, humihilik
ang bulkang nagbabantang magising, at sinong nagsasabing
itong tinatawag nating tayo ay panghabang-buhay?
Pinanonood kita ngayong nahihimbing, pinalalawak ng
iyong paghinga ang iyong dibdib. Ayon sa ilang dalubhasa,
patuloy pa rin ang paglawak ng ating uniberso.
Ibig sabihin, inilalayo nito tayo sa bawat mong paghawak,
paghinga, paghaplos sa aking mukha’t paghalik nang matindi.
May ilang bilyong taon pa bago tuluyang mapagod
ang ating araw sa pagsunog sa kaniyang sarili,
at mas marami pa ang mga bituin sa langit kaysa
buhangin sa mundo na balang araw, kung hindi mamaya,
ay pupulbos sa ating katawan. At kung sa isang daigdig
na hindi dito’y totoo ang kabaliktaran ng lahat ng ito,
kung biglang tumigil ang kalawakan sa paglawak, gumuho
pabalik sa atin, sa sentro nitong ating libo-libong pagkakataong
nagtatagpo sa pagitan ng ating kuyom na mga palad, at kung doon,
paulit-ulit at paulit-ulit natin pa ring isinasadiwa itong buhay
sa iba’t ibang panahon at lugar, at kung hindi pa tayo patay
sa mga unibersong ito, ngunit katulad dito ay nagbabadya pa rin
ang kalawakan na tapusin itong moog na tinatawag nating tayo,
masunog tayo sa isang kisap-mata at lamunin
nitong milyun-milyong posibilidad ng paglaho,
pipiliin kong gastahin ang aking nalalabing panahon
sa bawat panahon sa bawat mundo nang katulad dito:
pinagmamasdan ang iyong payapang pagtulog,
di alintana ang panganib nitong huwad na mundo.

*

FB Creative Challenge prompt: kung or if. I do not know if I hit this prompt right in the eye of it (I doubt it), but if it didn’t, I hope it still struck a chord there.

Love

He knows the boy he wanted
Was within this body.

He slammed his fists, tried
To beat it out of me,

A body whose only sin
Was to hunger another man.

I had nothing to bleed for him
But tenderness.

*

The man I loved knows what he wants
And how to get it, unravels me

Like a secret and lays me down
On the bed. He was right:

There is a body
Inside this body,

Shivering to be freed
The way father tried before.

*

Do I know pain from pleasure?
When he told me I was less

A man for loving a man,
I twirled the blood around my tongue,

And took note of this love,
The metallic taste of it.

*

Of course, I loved him,
The very first man

To find the body within,
To make it tremble of grace

Like a sinner absolved—
And he loved me; his hands say so.

*

He shook me, my father,
The way a greedy boy shook

The fruit bruising from a tree.
I shuddered out of this love.

*

He shook me, this man,
The way the rain unspools

The secret scent of grass.
I shuddered out of this love.

***

FB Creative Challenge prompt: orgasm. I want to write it in a subtle manner, so I hope it didn’t turn out too obscure.

Alay

I.

Mapalad ang sangkatauhan
At may Diyos na magliligtas
Sa kanilang kahibangan.

Nang itali ni Abraham
Ang nag-iisang anak sa altar,
Nanginginig niyang hinugot
Ang kutsilyo mula sa kaloban.
Humuhulagpos ang dibdib sa gagawing hain.

Habang ang iaalay na anak,
tahimik na nakahiga sa ibabaw ng bato,
nakatingala sa ama, waring nagsasabi
Sundin ang loob mo.

II.

Sundin ang loob mo,
ang sabi ni Hesus sa kaniyang Ama,
tahimik na nagdarasal sa hardin
bago maialay bilang anak ng Diyos.

Humuhulagpos ang kaniyang dibdib
sa pagdating na pag-aalay sa sarili:
Ganoon na nga ang pag-ibig ng Diyos
na ibinigay niya ang bugtong na anak
sa kaligtasan ng sangkatauhan.

At sino ang magliligtas
sa kahibangang ang Diyos mismo
ang siyang nagpakana?

*

FB Creative Challenge prompt: alay. I found the prompt and the poem particularly interesting to write.

Vesper on Remembering

She renounced her fear to me.
As we speak, the waves
were still hitting our sand-soaked feet.

She thew the question across
the placid lake of my eyes, held
her breath as she waited
for the ripples I had to reply.
But the weight of the matter
made the most silent splash.

Who will remember, and for how long?
She knew she will disappear soon—
or was it these things that disappear
when she departs, like the day
sinking in the distance, that warmth
now untouchable yet imaginable, memorable?

She is gone now as I sit here
where we once were,
trying to remember her.
but is she entirely what I remember
her to be? Time makes
a faulty man out of me,
sinks the fragments of her memory
in the deepest trenches of my mind.

To look back at her
is to peer at this dark,
to separate this shadow from that,
cutting outlines in a lightless night

Like how, as I remember her,
the colors of night bleeds through
boats, trees, rocks—gradients
to this dark sameness.

I need to know what she is
from what she is not,
but it is not as easy when time
pulls this sun quickly, inevitably,
to another part of this wholeness we call
world, or life, or isn’t it
this life and this world the same thing?

Isn’t this darkness enough
to say that she was there,
shining in another unknown part
of this vastness I am living?

*

FB Creative Challenge: sunset

Medyo Ayos Lang Ako

kung may magtanong sa iyo
tungkol sa akin, kahit malamang

wala namang magkakaroon ng pakialam
kung ano ang ginagawa ko ngayon

o ano ang estado ng aking buhay.
Natulog lang naman ulit ako buong araw

dahil wala namang nagyaya sa akin
na makipagkuwentuhan man lang.

Di ko rin naman magawang gambalain
itong mga kaibigan ko para makipag-usap

dahil mukhang medyo okupado sila
sa iba pa nilang mga kaibigan,

at di ko alam kung may karapatan ba ako
malungkot o maawa para sa sarili ko

kapag sa mga ganitong pagkakataon
pakiramdam ko’y pinagsasakluban ako ng mundo.

Pero medyo ayos lang ako, sabihin mo
kung may magtanong sa iyo isang beses

mapag-usapan ako nang pahapyaw
habang nagkakape kayo, marahil may nakitang taong

nagpapaalala sa inyo sa akin. At kung ganoon,
salamat sa pag-alala. Ibig sabihin noon,

Hindi pa ako puwedeng mamatay.
May mga umaalala pa sa akin kahit ganito ako.

Ang totoo, medyo nalulungkot ako,
dahil minsan mahirap kumbinsihin ang sariling

may mga kaibigan pa ako. Pero sana
naiintindihan mo rin ako. Walang sumeseryoso

sa akin. Kahit ako mismo. Kaya minsan gusto ko lang
may umintindi sa akin, dahil minsan

medyo di ko rin maintindihan ang sarili ko.
Pero kung may magtanong, medyo ayos lang ako.

*

FB Creative Challenge prompt: medyo. Also a tough one to write.

Bukas

Sa ngayon, ayaw ko munang isipin
ang hindi ko mahahawakan sa ngayon:

bagahe sa sahig ng paliparan, ang maleta mo
sa isa kong kamay, ang iyong kamay

sa kabila, na animo ito’y isang walang-
malay na akto ng pagpigil sa iyong pagkaway

palayo, diwang kakalag sa grabedad
na nagbibigkis sa ating dalawa, pamilyaridad

na ating hinuhubad dito sa dilim ng silid,
hinihigkit itong hiningang naglulubid

sa ating mga bibig. At bagaman ilalayo ka
ng daigdig sa akin bukas, hinawakan ko pa rin

ang iyong mga alangang kamay, at inilapit ka sa akin,
tulad kung paanong hinahatak ng kasalukuyan

ang bisig ng hinaharap, palapit nang palapit
hanggang sa gumuho sila sa nag-iisang ngayon.

*

FB Creative Challenge prompt: bukas

Esmeralda

And what a fitting name for a woman
with eyes so deeply green, forest-like
in intensity: lushest foliage
of sunbathed leaves, latticework of light
filtered in her lashes.

Staring into her, I am a bird
circling those primeval mountains,
sky-white pools around her eyes.

Every man I knew had told me the secret
of this wilderness, this beastly heart
burning on her chest.

She must be lonely.
A beauty of this kind must be lonely,
a forest not seen for its trees—

Or she must have a secret.
A beauty of this kind must be hiding
a pool of dark water, the wild animals
thumping their hooves inside her,
wanting to be touched.

I do not need to touch her to know.
I think everyone was too afraid to.

She looks at me and I see it in her eyes,
fear of the deepest, most primal kind:
mountains of trees with no one to echo.

*

Still part of the Facebook Creative Challenge. I got emerald as a theme. I will be posting a lot these next few days, as I need to catch up on my artistic debt.