Humigit-Kumulang, Franz Joel Libo-on

by Abner Dormiendo

131,480,184 talampakan ang laki ng mundo. Kung dalawang
Talampakan ang bawat hakbang, maiikot ito nang dalawang beses.

Subalit hindi palaging ganoon.

126,000,000 beses humahakbang ang tao buong buhay niya.
At hindi lahat sa bilang na iyan ay paglalakad lang.

Sa iyong kinatatayuan ang mundo ay maaaring siyang abot na ng
Mata. At iikot ka lang upang lahat ng ito’y iyong makita.

Sapat na ang iyong hintuturo para gumuhit ng isang linya
Na ang katapusan ay ikaw din.

Butil ng hangin lamang ang sukat ng iyong daliri
Sa hindi maipaliwanang na sandali

At kung bakit palaging ganoon.

Advertisements