Ang Pinakamagandang Ibon

by Abner Dormiendo

Sa malayong bundok, sa malayong lupa
May iisang ibon na napakaganda
May nagkikintabang dilaw, kahel, pula
Ang balahibo niyang di tulad sa iba

May isang umaga, ang ibo’y umalis
Doon sa malinaw at malinis na batis
Ang tangi niyang pakay, ang tangi niyang nais:
Makita ang ibong magiging kaparis

Nakita niya’y tagak na ubod ng puti
Matapos ay uwak, itim ang baluti
Maya, kalaw, pipit, gansa’t kulasisi
Sadyang walang ibong kakulay, kalahi

Sa kalungkutan niya’y tumangis ang ibon
Humuni ng awit sa buong maghapon
At nang maggabi, tuluyang nilamon
Ng dilim ang kintab, at hindi naglaon

Ang kulay ng pluma’y nawalan ng kinang
Lalo pang nalumbay ang ibon sa parang
Umawit siya’t tumawag ng makakaramay
Ngunit sa awit niya lahat sila’y ilang

At kung ang kapalit nitong kagandahan 
Kawalang kapatid, kasama, katuwang
Mas mabuti na ngang ika’y malagasan
Kung kapalit nito’y kaibigang tunay.

***

Okay. I’m so so so sorry I never got to update this on a daily basis. I was busy polishing a collection.

Anyway, Day 22: Write a children’s poem. I think writing a children’s story—or at least distinguishing one from a regular “adult” one—is easier than doing it with a children’s poem. And since the most common children’s poem always rhyme, I forced myself to write in a strict rhyming form: twelve syllables with a caesura between the sixth and seventh, rhyming scheme or something. Whatever, I know this isn’t the best in the bunch.

Advertisements