Ang Gusto Ko Lang Sabihin

by Abner Dormiendo

Akala ko kaya kong malungkot para sa ibang tao.
Ang totoo, gusto ko lang sumulat ng tula.

Inisip ko ang dagat, tumaob na barko. Nauhaw lang ako
Nang nag-isip ako ng tubig. Ngunit di ko maiinom ang dagat.

Kaya lumabas ako ng silid, naghanap ng tubig sa kusina
At nakita ko ang mga maruruming baso sa lababo

Nakalubog sa isang palanggana ng tubig.
O nakalutang. Baka may talinghaga dito. Baka wala.

Bumalik ako sa silid upang magsulat ng tula
Ngunit wala akong maisip. Kailan kaya ako titigil?

***

Day 18: Write a ruba’i, which is basically a rhyme-y poem. By now it’s obvious I don’t really have a penchant for rhymes (and I’m just lazy to think of rhyming things right now so…) Meaning, I basically used my last non-prompt privilege here. 

This is a metapoetic attempt to write about the South Korea ferry tragedy, and I hate myself for it.

Advertisements