Lagimlim

Nang may magawa ang mga bitwin

Month: April, 2014

Insidente

Dahil hindi ito aksidente
kung alam nating mangyayari ito.

Dahil aksidente lamang ito
dahil hindi natin alam

kung paano gumalaw
sa dilim—tatlong nagsalpukang

sasakyan, dalawang katawang
kinuha ng kalsada nang hindi

inaasahan. Muli, aksidente.

Napakaraming paraan
upang magpakilala

sa isa’t isa; sa liwanag
ng ating nakikita

lubusang nahihinuha
ang kapwa. Napakarami ring

paraan upang magpaalam.
Ngunit wala kung hindi

inaasahan. Muli, aksidente.

***

Day 28: Write a poem taking words from a news article. 

Now I have to bend the rules here a bit, since the article was written in English. Also, the poem might sound a bit too general but it was taken from this article.To be honest, I hate writing poems about real life tragedies because the mere brutality of the act of writing about it disgusts me to some degree. It almost feels exploitative, unfair, makes me feel helpless in a way, and pathetic.

Those are the moments when I feel a strong hatred towards writing.

Lynching 1930

Hinog ngayon ang bunga ng manibalang na poot:
dalawang katawan sa di-kilalang puno, isa sa marami

na diniligan ng dugo. Namumula ang balat ng mga bunga
habang pakiling-kiling sila sa hangin. Mamaya, ibababa

ang mga katawan. Ngunit ngayon, nagkumpulan na
ang mga tao sa paanan ng puno, may ngiti sa mga mukha.

Pumupunit sa alangaang ang sangsang ng tagsibol.

***

Day 27: Write a poem from a photograph. The photo I used was taken 1930 during a public lynching in Marion, Indiana. Definitely one of the most disturbing photographs I’ve ever seen. I also admit to taking some imagery from the Billie Holiday’s Strange Fruit.

Bingit

Matagal ko nang isinumpa sa sarili kong hindi na ako magsusulat
tungkol sa kamatayan. Ngunit may tumawag muling kaibigan
mula sa kabilang dako ng daigdig, kasimbigat ng tingga ang hininga
na hinahalinghing sa aking tainga. Marahil nanggaling sa balitang
dala-dala niya: may babaeng tumalon sa isang gusali ng kanilang
paaralan. Wala siya roon, walang taong nakakita sa dalaga.

Paanong kilala ng kaibigan ko ang dalaga, nakatabi sa klase sa pilosopiya,
ngunit hindi niya nakausap maliban sa ilang pagkakataong nagtatanungan sila:
Ano ang panangutan natin sa ating kapwa? Hanggang saang punto madadala ng tao
ang sakit bago mabasag? Kung may katawang bumagsak at walang nakarinig,

may tunog ba itong ginawa?

***

Day 26: Write a curtal sonnet, which is shorter than a normal sonnet: six lines for the first stanza, four for the second, and a half line to close it.

Not based on actual events, but wouldn’t it be sad if it was?

Paliwanag Kung Bakit Wala Akong Tugon Noong Nagpaalam Ka

Sabihin na nating wala akong alam sa mga ganitong bagay. Sabihin na nating
wala akong aaminin sa iyo kundi ito lang at ito lang, na wala akong alam sabihin.
Sabihin na nating noong hapong iyon. Sabihin na nating nakatalikod ka sa akin,
nakaharap sa nakangangang pinto. Sabihin na nating may tugon sa sinabi mong
paalam na hindi ko lang nahanap noon. Sabihin na nating nahanap ko na ngayon
sa isang libro sa pisika ang sagot. Sabihin na nating sagot, hindi tugon, ang nahanap ko.
Sabihin na nating may isang bitwin sa konstelasyong hindi tayo sigurado kung paano
bigkasin ang pangalan. Sabihin na nating X. Sabihin na nating sa konstelasyong X
may isang bitwing napapagod na sa pagsusunog ng kaniyang sarili. Sabihin na nating
wala siyang ibang kayang sunugin kundi ang sariling gutom. Sabihin na nating
mayroon: isang kahon ng liham, tatlong talulot ng tuyong ilang-ilang, balahibo
ng uwak. Sabihin na nating may katawan ang alaala at kaya natin itong sunugin.
Sabihin na nating isang araw, nawalan na ng alaalang susunugin ang bitwin.
Sabihin na nating namatay ito dahil wala na itong maalala: papel na eroplano,
kuwerdas ng gitara, resibo ng biniling kamiseta. Sabihin na nating sumabog ito,
napuno ng ingay ang konstelasyon X, tinakpan ng mga karatig-tala ang kanilang
mga tainga sa ginawa nitong gulo. Sabihin na nating kung nasaan ka ngayon,
gabi na. Sabihin na nating katahimikan. Sabihin na nating lilipas din ang lahat.
Sabihin na nating daang taon. Sabihin na nating hindi na tayo katawan kundi abo
na naglaho sa kawalan ng alaala. Sabihin na nating may mga siyentista sa lupa,
nakatingin sa kanilang teleskopyo. Sabihin na nating may narinig silang pagsabog.
Sabihin na nating ito ang tunog ng namamatay na bitwin. Sabihin na nating ikaw
ang bitwin, o ako ang bitwin, o walang ibig sabihin ang bitwin. Sabihin na nating
wala itong ibig sabihin. Sabihin na nating kahit ganito, hindi mo pa rin ako maririnig.

***

Day 25: Anaphora, which is repeating a phrase throughout a work, like that in Ecclesiastes or from ‘I Have A Dream.’

I’ve always been a fan of repetitions in poems, and one of my favorite techniques if you notice some of my poems. So this came off quite easily.

Tampuhan

Sinesemento
ng katahimikan

ang mga unang pinag-
patong-patong natin

sa ating pagitan,
pinapalitada

ng mga kinimkim
na sentimiyento

hanggang sa mabuo
ang isang dingding

sa gitna ng ating kama.
Aaminin ko, nais ko

haplusin nang haplusin
ang humihikbi mong likod

ngunit pagod na
ang aking mga kamay

magtibag ng mga pader
na nabubuo sa tuwing

pipiliin nating matulog
nang may kipkip na bigat

sa ating dibdib—
para lamang gumising

nang nakatayong muli
ang aking sinira kagabi lang.

***

Day 24: Write a masonry-inspired poem. So bricks, arches, cement probably.

What I wrote is not too masonic. I just used a couple of terms here and there.

Alibugha

Ama, lagyang bisa itong tahanan. Ibababa kita—
bersikulo ng manunubos, batas ng kaniyang daan,
sutla mong kamay. Sabihing musika ng makina
ang bigay mo. Isang siglo ang hihingin kong isang pagitan.

***

Day 23: Homophonic poems, which is basically getting a poem written in a foreign language and trying to write a poem based on how (you think) it sounds. I love to hate this prompt, because while it seems so interesting (and it is), often than not you get senseless words from homophones.

I took a section from the poem Quatrains by Indonesian poet Sapardi Djoko Damono. As you can see, this poem does not make sense. At all. I tried, and this is all I can do.

Ang Pinakamagandang Ibon

Sa malayong bundok, sa malayong lupa
May iisang ibon na napakaganda
May nagkikintabang dilaw, kahel, pula
Ang balahibo niyang di tulad sa iba

May isang umaga, ang ibo’y umalis
Doon sa malinaw at malinis na batis
Ang tangi niyang pakay, ang tangi niyang nais:
Makita ang ibong magiging kaparis

Nakita niya’y tagak na ubod ng puti
Matapos ay uwak, itim ang baluti
Maya, kalaw, pipit, gansa’t kulasisi
Sadyang walang ibong kakulay, kalahi

Sa kalungkutan niya’y tumangis ang ibon
Humuni ng awit sa buong maghapon
At nang maggabi, tuluyang nilamon
Ng dilim ang kintab, at hindi naglaon

Ang kulay ng pluma’y nawalan ng kinang
Lalo pang nalumbay ang ibon sa parang
Umawit siya’t tumawag ng makakaramay
Ngunit sa awit niya lahat sila’y ilang

At kung ang kapalit nitong kagandahan 
Kawalang kapatid, kasama, katuwang
Mas mabuti na ngang ika’y malagasan
Kung kapalit nito’y kaibigang tunay.

***

Okay. I’m so so so sorry I never got to update this on a daily basis. I was busy polishing a collection.

Anyway, Day 22: Write a children’s poem. I think writing a children’s story—or at least distinguishing one from a regular “adult” one—is easier than doing it with a children’s poem. And since the most common children’s poem always rhyme, I forced myself to write in a strict rhyming form: twelve syllables with a caesura between the sixth and seventh, rhyming scheme or something. Whatever, I know this isn’t the best in the bunch.

Blind Item

Siya nga pala, congrats sa kaso mo, mukhang
mapapanalo mo ‘to. Iba na talaga kapag artista,
habulin ng babae kaya habulin din ng intriga:
kaliwa’t kanang kaso ng rape, biruin mo ‘yun?
Eh mga putangina pala ng mga haliparot na ‘yun e,
magpapapasok ng lalaki sa condo ng gabi
para ano? Para makakuha ng bente segundos
na interview sa TV Patrol? Di bale, sikat ka naman,
mapera, may hitsura. Kaya mong gawin lahat,
kesehodang mabugbog ka ng isang grupo,
may career ka pa rin—Pelikula! Palabas sa
telebisyon! Komersyal! Leading lady na
pinagsasalsalan ng mga taong-grasa ‘yung
revealing billboard sa may kalsada! Siguro
kaya rin mabilis ang pag-usad ng kaso mo.
Muntik ko nang makalimutan na may kaso
‘yung kapatid ng kapitbahay namin matapos
mabaril at manakawan sa loob ng bahay
noong Disyembre 2007. Bisperas ng Pasko,
biruin mo? Hanggang ngayon nasa korte pa rin
ang reklamo, nakabinbin, halos mabaliw na
‘yung naulilang asawa niya at ‘yung tatlong anak
na kaka-high school pa lang ng panganay. Paano,
ubos na pera nila, di pa rin nakukulong ‘yung adik
na anak ni konsehal. Pero malakas ka naman, diba?
Baka pwede mo naman silang tulungan?

***

Day 21: New York School poem. I tried to incorporate as many interesting and appropriate elements as possible, as prescribed by the list given in the website.

This may and/or may not be based on real life events

Hiling

Marahil ikinukubli
ng aking balat hindi

ang karunungan kundi
nagdaang panahon. Bilang

hinihintay na lang ang araw
kung saan maaari na

akong humimlay,
ang hinihingi na lang

sa iyo’y pasensya—
upang bantayan akong

napapagal na sa bawat
umagang nagigising pa.

Pasensya na.

Nakakapagod rin minsan
ang paghinga.

***

Day 20: Write a poem in the voice of another family member. I used the voice of my grandmother, who never lets a day pass without hearing “I’m going to die someday, just you wait” from her blabbering mouth. I love her, but she’s overbearing sometimes. I don’t know, but maybe being an old person who is nearing 90 is tiring and sad—aching body parts, feeling of uselessness that comes along with it, seeing a spouse, your siblings, and a child die ahead of you. I think I’m not considerate enough for the family member who probably cares about her the most.

Process-wise, I wrote this in a rush, since I’m personally not too fond of the prompt. Also because my family may not be as interesting to write about anyway. 

Liham

Pasensya ka na kung ganito ako
magpapaalam sa iyo: isang liham
kapalit ng isang yakap. Wala akong
maibibigay sa iyong paglisan kundi
ilang hiram na salita. Walang salin
para sa niyebe sa ating kinagisnang
wika, ngunit napakaraming salita
para sa tubig, dagat, dalampasigan,
at iilan para sa kabibe, takip ng bote,
sandakot na tuyong lupa, init ng araw
sa kinuyom na palad. May nagsabi sa akin
na ang dakilang gampanin ng makata
ay hindi maubusan ng salita, ngunit
bakit parang nasasaid na balon ang aking
bibig ngayong iniisip ko pa lamang
ang iyong nakatalikod na aninong
naglalakad sa paliparan? Iilan lang
ang aking maipapabaong salita sa iyo,
itupi mo nang walong beses at itago
sa lupi ng iyong panlamig. Kung sakaling
ginawin sa panibagong lungsod, ilabas
at basahin. Mahal, ito lang ang maibibigay
sa ngayon. Wala akong salita para
iyong isuot sa ulo, isukbit sa balikat,
ibalot sa mga kamay. Napakalawak
ng bokabularyo ng karagatan upang
isiksik sa kakarampot na liham.

 

***

Day 19: Seashell name poem. I picked Heavy Bonnet and bent the rules a bit because what the hell is this prompt.

Also, apologies if this came late. I’ve been fighting the laziness these past few days and to add, I am currently finishing (meaning revisions and stuff) another poetry project/collection. I wrote three poems tonight which felt more like regurgitating a meal than actually writing. Whatever, I guess.