Panunula/y

Daigdig ang pinapasan
Sa tulang itinatanghal

Marahan akong tumatawid
Sa wikang mistulang lubid

O kay bigat ng katawan

*

Katawan ang pinapasan
Sa wikang itinatanghal

Marahan akong tumatawid
Sa tulang mistulang lubid

O kay bigat ng daigdig

*

Wika ang pinapasan
Sa daigdig na itinatanghal

Marahan akong tumatawid
Sa katawang mistulang lubid

O kay bigat ng tula

Advertisements