by Abner Dormiendo

Iginuguhit ko
ang pangalan mo
sa dalampasigan
ng aking gunita
at darating siya —

isang along binubura
ang iyong alaala sa tuwina

At babalik ako
sa pagsusulat
ng pangalan mo
hanggang sa dumating
ang along panibago.

Advertisements