by Abner Dormiendo

Atisan Archives

Wala silang alaala, at hindi nila iyon inaalala. Ang unang kamangmangan ng tao: na sukátin ang panahon, na sabihing may sandali’t––saglit lamang––Hindi ko na nakikilala ang mga ilog na nilanguyan namin noon, bagaman pinapangarap ko ang muling mga pagkikita. Na hulihin ang kidlat sa ikalawang pagdapo sa iisang puno, ikulong sa bitag ng baboy-damo, kamukha ng mga sinaunang diyos. Walang apoy rito, sa kung gaano kalalim ang pagnanasa. Tutubo mula sa lupa, mag-uugat ang mga alamat ng kung ano-anong puno’t halaman, uulan ng damulag at kumag sa santinakpan sapagkat kailangan, sapagkat kailan ba nagkulang ang kalikasan sa ating pangangailangan. Samantala’y umiikot ang usok ng bagong-sinding katol sa pampang. Bagong panahon at bigong paglilimayon ng insekto’t insurekto ng sibilisasyon. Magkaniig gaya ng mga sinaunang hayop na nangawala na bago pa man binasbasan ng pangalan. Sumpa ang gunita at ibig nating manumpa.

[Nalathala ang tulang ito sa Likhaan, The Journal of Contemporary…

View original post 5 more words

Advertisements