Two-Piece

Kanina
umorder ako
ng two-piece chicken
with rice
and regular drink
plus extra rice
at extra coke
isang large fries
at dalawang burger
tulad ng nakagawian
noong nandito ka pa.

Di ko maubos

kasi akala ko
kakayanin ko nang
mag-isa.

Nanghihinayang ako
sa natira sa plato.

Pero maraming masasayang
kung manghihinayang na lang.
Kaya ikakain ko na lang
itong kalungkutan.