Libra

by Abner Dormiendo

Tinitimbang
Sa aking palad

Ang bituing-bituing
Pangako

Sa kabila nito
Ang mga luha

*

Kay bigat
May bigat

Ang liwanag

Dumidiin
Sa palad

*

Umulan
Na naman

Banaag pa rin
Ang liwanag

*

Sinalok ko
Ang pagpatak

Sa palad

Ang timbangan
Di pa rin

Natitinag

Advertisements