Sa Umaga

by Abner Dormiendo

Sa umaga
babalikwas
ang duklay ng damo,

papaimbulog
ang mga ibon
sa tuktok ng akasya
upang sumalok ng tubig
sa mga dahon.

Kung lilisanin mo ako
sa darating na umaga,
iwan mo ako
ng isang butil ng hamog.

Advertisements