hipster in love

by Abner Dormiendo

Di ko alam
kung anong pinagkaiba
ng love songs nina
Bieber at Bon Iver
at bakit mas gusto mo si Bieber
pero baby, baby, baby, ohhh…
ipagpapalit ko ang aking
entire vinyl collection
mahalin mo lang ako.

Advertisements